Friday, June 27, 2008

Abalang Araw...

Oh, eto na naman ako at sumasalubong sa abalang araw. Marami akong trabaho ngayong araw na ito, at abala din ang aking isipan marami kasi akong dapat asikasuhin sa buhay. Isa na doon ang aking mga mahal sa buhay na nasa Pinas. Ganon din ang aking trabaho masyadong nagiging mahirap ang takbo ng panahon, siguro dahil narin sa mahirap na ang buhay sa buong mundo.

Kailan kaya tayo magiging masagana at masaya ngayong kahit saan ka tuminging anggulo ay puro kalamidad ang nangyayari sa ating bansa.

Panginoon .. dalangin ko po sana na biyayaan nyo po ang buong mundo, ganon din po ng buo kong pamilya higit sa lahat ang aking nag-iisang anak.

Pinupuri kita Aking Panginoon...

Monday, June 16, 2008

Sunday....Morning


Here i am again na sumasalubong sa ganda ng sunday. Thanks at nag- daraan ang mga araw ng maganda at maayos. Kaya sana sa lahat ng mga tao sa buong mundo maging masaya tayo at maging matibay ang ating loob sa lahat ng mga pag-subok na dumarating sa atin. Ang buhay ay parang gulong kung minsan ay nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim, Huwag tayong mawalan ng pag-asa lagi tayong manalig sa ating Panginoon. Higit sa mga biyaya nya nasa kanya rin ang tulong at gabay, awa ng ating mahal na Panginoon.

Maraming salamat at Purihin natin siya na lumalang ng langit at lupa.

Friday, June 13, 2008

Thank you Lord !!!


Thank you Lord sa mga araw na nag daan at araw na darating pa. Sa mga biyaya mo Panginoon at gabay at tulong sa pag papatibay ng aking kalooban. Salamat aking Panginoon at sasalubungin ko ang panibagong mga araw na merong saya at tibay na alam kong iyon ay galing sa blessing mo aking Panginoon. Hiling ko lang aking Panginoon na isama mo sa mga kaligtasan ang lahat ng aking mga mahal sa buhay, higit sa lahat ang aking anak. Oh Panginoon pinupuri kita at pina pasalamatan sa lahat ng biyaya mo sa akin.

Monday, June 9, 2008

Salamat Panginoon..

Maraming salamat sa Panginoon at naging maayos na ang lahat. Sana tuloy tuloy na ang lahat ng sa ganon maging masaya ang takbo ng araw at ng panahon. Sa tulong na rin ng ating Poong May Kapal ako ay nag papasalamat sa kanya sa kanyang mga biyaya at tulong sa akin.

Purihin Ang Panginoon...

Saturday, June 7, 2008

Hanggang kelan ?

Pag malungkot ako ito ang ginagawa ko ang magsulat at ikuwento ang buhay ko at ng mga nangyayari sa aking araw-araw na gawain. Alam ko kung minsan bored na rin ako at hindi alam ang aking gagawin sa buhay siguro marami lang talaga akong problema sa buhay. I'm sure na matatapos din ito for sure. Buti na lang meron akong napag babalingan upang di ko masyadong maisisp o maramdaman ang aking pag ka-inip. Ay... nasaan na ang ang aking mga kaibigan na pwede kong maka usap sa oras na kailangan ko sila. Bakit pag kailangan ko ng makaka-usap ay napaka layo nila sa akin. Sana maramdaman din nila minsan na kailangan ko sila.

Sana tapos na...

Alam mo ba na masaya ako kahapon ng hapon ngunit nag wakas ito ng lungkot ng sumapit na ang gabi. nag kameron kami ng di pagka ka-unawaan sa isang bagay na aming pinag talunan. Halos umabot sa malaking pag tatalo hanggang sumapit ang umaga. Naroon ang sumbat at palitan ng salita na hindi ko kahit kailan inakala na mang yayari sa amin. Malapit sa akin ang kaibigan kong iyon. Ganon din ako sa kanya , kung sabagay isa lang akong tao na mapusok at nakakagawa ng mali, o nakapag salita na hindi nya nagustuhan. Doon nag mula ang aming pinag talunan.

Malupit na araw...

Oh eto na naman ang araw kong malungkot at may kasamang sakit at lumbay. Bakit kasi kailangan kong mag tiis at magsakripisyo ng hirap sa buhay na malayo sa aking mga mahal sa buhay. Alam kong sapat na siguro ang aking pag dudurusa ng sa ganon ay maranasan ko ang ginhawa at ligaya sa piling nila. Ang tanong kailan ba iyon magaganap? Bakit walang ngiti sa aking pisngi at mga labi. Bakit kailangan na merong hinagpis sa aking dib-dib. Kailan ko kaya malalasap ang ginhawa sa buhay? Alam kong tanging Diyos lang ang nakaka- alam ng para sa aking buhay.